Paano ba Magpapayat ng Permanente at Mabilis sa loob ng Isang linggo

Paano-ba-Magpapayat-ng-Permanente-at-Mabilis-sa-loob-ng-Isang-linggo

Napakahalaga ng postura ng katawan ng tao lalo na kung nakakaapekto ito sa iyong trabaho o pangaraw-araw na pamumuhay. Halimbawa na lang ang pangarap mong maging isang modelo na kung saan karaniwan sa mga modelo ay mayroong magagandang hubog ng katawan. Ngunit paano mo maaatim ang pangarap mong maging isang modelo kung ikaw ay mayroong malaking katawan o ang uyong pangagatawan ay mataba? Ang pagpapapayat ay hindi ganoon kadali. Kailangan ng masidhing pokus at disiplina. Pero ang tanong, paano kung kailangan mo ng maging payat ng mabilis sa loob ng isang linggo? Paano ba magpapayat ng mabilis sa loob ng isang linggo? Posible bang mangyari ito?

Una sa lahat, kailangang maging handa ang katawan kung ikaw ay magpapapayat lalo na kung sa loob lang ng isang linggo. Dahil sa mga araw na ikaw ay nagpapapayat maaaring ikaw ay manghina lalo na at hindi sanay ang iyong katawan sa malaking pagbabago na iyong ginagawa. Ang mga sumusunod ay mga hakbang na maaaring sundin kung nais mong magpapayat ng mabilis sa loob ng isang linggo.

 

Epektibong hakbang at paaraan kung paano ba magpapayat ng mabilis sa loob ng isang linggo

1. BAGUHIN ANG GAWI NG PAMUMUHAY

Maaaring simulan ang pagpapapayat sa pamamagitan ng pagbabago sa gawi ng iyong pamumuhay. Kailangang maisaisip kung ano ba talaga ang gusto mong maatim. Magtalaga ng skedyul upang mabalanse ang mga aktibidad mo sa pangaraw-araw. I-“prioritize” ang mga kailangang makamit agad-agad. Idisiplina ang sarili pagdating sa pagkain, inumin, oras ng pagtulog, at marami pang iba. Kapag naisaayos mo na ang iyong listahan, maaari ng tumuloy sa ikalawang hakbang.

2. MAGBAWAS NG PAGKAIN

Napakaimportante kung gaano kadami ang iyong kinakain sa loob ng isang araw. Kaya’t kung ikaw ay nagnanais pumayat ng mabilis sa loob ng isang linggo, maaaring bawasan ang mga nakasanayang dami ng mga pagkaing iyong kinakain araw-araw. Kumain na lang ng isang tasang kanin kumpara sa tatlong tasang kanin na iyong nakasanayan okaya, mag-isang baso na lang ng softdrinks kumpara sa isang litro na softdrinks sa isang araw.

3. PATAYIN ANG TELEBISYON HABANG KUMAKAIN

Ang pagkain kasabay nang panonood ng telebisyon ay isang bagay upang ikaw ay mabilis na tumaba. Dahil ditto, nawawalan ka ng pokus sa pagkain at hindi mo namamalayan na nakakarami ka na ng “refill” sa iyong plato dahil masyado kang naaliw sa iyong pinapanood. Dapat pokus ka sa pagkain at huwag manood ng telebisyon habang kumakain.

4. MAG KAROON NG DISIPLINA SA PAGTULOG

Napakahalaga ng pagtulog dahil sa pamamagitan nito, nababalanse ang metabolismo ng ating katawan. Walong oras ang pinakatamang bilang ng oras ng pagtulog. Ang kulang sa tulog ay maaaring magpabagal sa metabolism ng isang tao, kaya sila ay mabilis na tumaba. Matulog sa tamang oras upang ang katawan ay hindi lumaki at tumaba.

5. KUMAIN NG MASUSTANSYANG MIRYENDA

Kalimitan sa mga tao ngayon ang pagkain ng miryenda sa gitna ng mga pangunahing oras ng pagkain. Makakabuting imbes na kumain ng fries, burger, pizza, chichirya o iba pa, kumain na lang ng mga masusustansyang pagkain tulad ng prutas o mga pagkaing mababa sa asin o asukal.

6. UMINOM NG MARAMING TUBIG

Ang tubig ay ang pinaka nakakatulong sa pagpapayat. Maliban sa nililinis an ating kaatwan, binubusog pa tayo na magiging dahilan ng pagkain ng kakaunti na lang. Sinasabi ng mga eksperto na uminom ng tubig na walo hanggang labing-dalawang basong tubig ang kailangan sa loob ng isang araw.

7. UMINOM NG KAPE O TSAA

Ang pag-inom ng kape o tsaa 45 minuto bago ang iyong pageehersisyo ay nakakatulong upang mabilis masunog ang mga taba at dumi sa loob ng katawan. Ngunit kailangan ding kontrolin ang pag-inom ng kape dahil maaaring ito ay may mataas na caffeine na maaaring mahantong sa pagkaadik sa kape at ikow ay mag palpitate. At bago uminom ng tsaa, mabuting may laman ang tiyan kahit isang pirasong saging lamang dahil ang paginom ng tsaa ng walang laman ang tiyan ay maaaring humantong sa pagkasira ng bituka.

8. KUMAIN NG PAGKAING MAY MATAAS NA FIBER

Ang pagkain ng mayaman sa fiber ay nakakatulong upang bumilis ang pagpayat sa loob ng isang linggo dahil ito ang magsisilbing walis na nagtatanggal ng mga taba at dumi sa loob ng katawan tulad ng pinya, guyabano at marami pang iba.

9. UMINOM NG MAINIT O MALIGAMGAM NA LEMONADA

Isa sa mga usong pagkain at inumin ngayon ay ang malamig na lemonade, ngunit nasubukan mo na ba ang pag-inom ng mainit o maligamgam na lemonade? Ang pag-inom ng mainit na lemonade ay isang paraan ng pag-“detox” o paglinis sa katawan lalo na kung iinumin mo ito pagkatapos o habang kumakain. Ito ay magandang pagmulan din ng Vitamin C, upang malabanan ang mga sakit habang ikaw ay nagpapapayat.

10. UMIWAS O IWASAN MUNA ANG MGA PROCESSED FOODS

Karamihan sa mga processed foods ay mayroong salitre at mga pampatagal ng araw. Ang mga ito ay nakakaapekto sa pag-stock ng taba sa loob ng katawan kaya kung gusto mong pumayat ng mabilis sa loob ng isang linggo, iwasan muna ang pagkain ng mga processed foods, mas mainam ang pagkain ng fresh o mga lutong-bahay.

11. MAGEHERSISYO ARAW ARAW

Ang pageeehrsisyo ay isa sa pinakaepektibong paraan upang mabilis mabawas ang timbang. Maaaring simulan muna ito sa mga simpleng paggalaw sa loob ng ilang minuto hanggang sa unti-unting pahirap ng pahirap at patagal ng patagal ang paggalaw. Upang maging mas lalong epektibo ang pagpapapayat sa pamamagitan ng pageehersisyo, magtuon ng pansin sa kung anong parte ng katawan ang nais mong iprayoridad. Halimbawa na lang kung gusto mong lumiit ang iyong mga braso muna, humanap ng mga aktibidad na nagagamit ang mga braso, para eto ang unang lumiit o puyat sa iyong pangangatawan.

12. ALAMIN MUNA ANG PAGKAIN BAGO KAININ

Mahalagang magkaroon muna ng kaalaman sa mga pagkaing iyong kinakain sa araw-araw. Mangyaring ikaw ay magsalikisik muna kung anu-ano ba ang mga epekto ng iyong kinakain sa iyong katawan. Sa pamamagitan nito, ikaw ay magiging maingat at responsible sa mga pagkaing iyong nakasanayang kainin lalo na kung ikaw ay nagiisip magpapayat.

13. MAGISIP AT MAGING POSITIBO NA IKAW AY PAPAYAT

Una sa lahat, kailangan mong maging positibo na kaya mong gawn ang iyong nasimulan. Kailagan mo ng tamang lakas ng loob upang tapusin ang iyong pagpapapayat. Ang pag-iisip ng positibo ay nakakatulong din upang maiwasan ang stress habang ikaw ay nagpapapayat.

14. UMIWAS O BAWASAN ANG PAGKAIN NA MATAAS ANG CARBOHYDRATES

Kung ikaw ay nagpapapayat sa loob ng isang linggo, mas mabuting bawasan o tuluyang huwag muna kumain ng mga pagkaing mataas sa carbohydrates tulad ng kanin, cereals na puti, pasta, at mga pagkaing mayroong puting harina tulad ng doughnut at biskwit.

15. NGUYAIN ANG PAGKAIN NG MABAGAL

Ang pagkain ng mabilis ay humahantong din sa mabilis na paglobo ng katawan dahil hindi mo napapansin kung gaano na ba kadami ang iyong nakakain kaya mainam ang mabagal na pagkain at pagnguya dahil magiging alerto ka sa dami ng iyong kinakain at mabilis pang matunaw ito sa loob ng iyong katawan dahil hindi bulto-bulto ang napupunta sa iyong tiyan.

16. UMUPO NG TUWID HABANG KUMAKAIN

Kung hindi mo maiwasan ang pagkain habang ikaw ay nagpapapayat, mainam na umupo ng tuwid na lamang habang kumakain dahil ditto, naiiwasan mo ang pagtigil ng pagkain sa gitna ng iyong tiyan. Ang pag-upo ng tuwid habang kumakain ay nakakapagpabilis ng pagbaba ng iyong kinain. At isa pa, gaganda pa ang iyong postura kung ito ay makakasanayan mong gawin sa pangaraw-araw.

17. KUMAIN NG MASASABAW NA PAGKAIN

Ang paghigop ng sabaw bago ang pinaka pagkain ay nakakatulong upang ikaw ay mabilis na pumayat sa loob ng isang linggo. Dahil ditto, ikaw ay madaling mabusog kaya kaunti na lang ang makakain mo.

18. UMIWAS O BAWASAN ANG MAASUKAL NA PAGKAIN

Ang pagkain ng matatamis ay nakakaapekto sa mabilis na paglobo ng timbang dahil ito ay hindi kaagad natutunaw sa loob ng katawan na maaaring humantong sa diabetes at iba’t-ibang komplikasyon sa iyong katawan. Kaya mabuting bawasan o iwasan ang dami ng asukal sa iyong kinakain upang hindi mabilis lumobo ang iyong iyong katawan, bumigat ang iyong timbang at makakaiwas kappa sa diabetes.

19. KUMAIN NG MGA PAGKAIN NA MATAAS SA PROTINA

Ang pagkain ng mayaman sa protina ay nakakatulong upang mabawasan kaagad ang iyong timbang sa loob ng isang linggo. Dahil ang protina ay ang responsible upang limitahan ang lebel ng iyong kagutuman habang bumiibilis ang metabolism ng iyong katawan na humahantong sa magandang resulta sa iyong layuning pumayat ng mabilis sa loob ng isang linggo.

20. GUMAWA AT MAGKAROON NG SARILING DIET PLAN

Hindi magiging epektibo ang lahat ng ito kung wala kang sinusunod na plano pagdating sa iyong pagkain. Dahil ang diet plan ang gagabay sa iyo kung ano ba dapat ang iyong kakainin sa pangaraw-araw upang maging “consistent” ang iyong pagpapapayat. Halimbawa ng isang diet plan ay lunes; isang pirasong mansanas at isda at isang tasang kanin sa almusal, tanghalian, mainit na sinigang, at hapunan, isang pirasong saging at magaan na pagkain tulad ng diet breads.

21. HUWAG MAHIYANG UMUTOT

Ang pag-utot ay talagang nakakahiya lalo na kung hindi mo ito mapigilan sa harap ng maraming tao. Ngunit ang pag-utot ay nakakatulong din upang mabawasan ang mga gas sa loob ng katawan na nakakadagdag sa iyong timbang

Pinaka Importante at dapat tandaan sa pagpapayat ng mabilis sa loob ng isang linggo

Ang pagpapapayat ng mabilis sa loob ng isang lingo ay hindi ganoon kadali lalo na kung nais mong maging payat ng permanente. Bago ka magpapayat, isipin mo muna kung bakit mo ba ito ginagawa. Ano ba ang iyong rason kung bakit gusto mong magpapayat? Ito ba ay makakabuti sa iyo o makakasama sa iyong hinaharap? Ang pagpapapayat ng walang konkretong dahilan ay mahirap makamit sapagkat hindi ka nagiging seryoso sa gusto mong gawin. Isipin mo din kung sinu-sino at kung anu-ano ang mga maaaring maapektuhan kung gustong mong magpapayat. Maaapektuhan ba ang iyong trabaho? Pag-aaral? Magkakaroon ka ba ng sapat na oras upang isagawa ito? Hindi biro ang pagpapapayat lalo na kung nais mong ito mapabilis sa loob lamang ng isang linggo dahil ang katawan mo ang unang unang maaapektuhan dito. Ang mga nabanggit na hakbang ay makakatulong sa iyo kung nais mong magpapayat ng mabilis sa loob ng isang linggo. Hindi mo kailangang pumili lamang ng isa o dalawa lamang, dahil kung pursigido ka talaga, lahat ng mga nabanggit ay epektibo, kaya’t kailangan mo silang lahat subukan at gawin. Marami ang nagnanais na pumayat lalo na kung sa loob lamang ng isang linggo. Marahil ay may mga pagkakataon na naiisip nila na nakakasawa ng maging mataba o kaya naman mayroong isang importanteng okasyon na kailangan nilang magpapayat upang magkasya sa kanila ang gusto nilang damit, kaya naman ayaw na nilang maging laman ng tuksuhan. Ang pagiging mataba ay isang dahilan kung bakit nade-depressed ang isang tao. Mangyaring naaapektuhan na ang kanilang emosyon, hindi lang emosyonal kundi na rin ang mental at sikolohikal na parte ng kanilang pagkatao.

Maliban sa mga nabanggit na mga hakbang kung paano ba magpapayat ng mabilis sa loob ng isang linggo, isa sa pinaka-epektibong paraan kung paano magpapayat ay ang paniniwala sa sarili. Ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ang iyong magiging sandata sa lahat ng mga taong nghihila sa iyo pababa habang ikaw ay nagpapayat. Kapag ikaw ay nagtagumpay dito, hindi lang seksing katawan ang iyong makakamit, kundi pati narin ang lakas ng loob sa kahit anumang bagay na iyong madadatnan sa kahit anong oras sa iyong buhay.

Habang ikaw ay nagpapapayat, siguraduhing ang iyong katawan ay nasa kondisyon upang maisagawa ang mga hakbang na nabanggit. Pakiramdaman mo muna ng mabuti ang iyong katawan kung ito na nga ba ang tamang panahon upang ikaw ay magpapayat? Maliban sa pagkakaroon muna ng lakas ng loob, lakas ng katawan din ay kailangan dahil hindi birong magpapayat. Siguraduhing ang lahat ng iyong plano ay naaayon sa kung ano nga ba talaga ang gusto mong makamit. Ang dalawampu’t isang mga hakbang para pumayat ng mabilis sa loob ng isang lingo ay ang iyong magiging gabay tungo sa pangarap mong pagkakaroon ng magandang katawan na permanente o habang buhay. Ang isang linggo ay napakadaling panahon kaya’t huwag magmadali at sundin ang iyong diet plan. Ang pagkakaroon ng diet plan ag tutulong sa iyo at gagabay upang hindi ka maligaw habang ikaw ay nagpapapayat sa loob ng isang linggo. Huwag mainip dahil mahabang pasensya ang kailangan ditto. Dahil ika nga ng isang kasabihan ng mga eksperto “No pain, no gain.” Kailangan mong paghirapan ang lahat ng mga gusto mong makamit sa buhay, dahil lahat ay pinag hihirapan, mas mahirap mas masarap sa pakiramdam pa gang pangarap mo ay iyo ng nakamin, kaya wag kang susuko na makamit ang iyong pangarap na katawan. Tandaan mo ang taong sumusuko at hindi tinatapos ang nasimulan ay walang patutunguhanm kaya kung gusto mong pumayat ng mabilis sa loob ng isang linggo dat mo etong dibdibin ng mabiti.

WAG SUMUKO AT BIBITIW SA IYONG PANGARAP NA PUMAYAT

Tandaan na sa gitna ng iyong pagpapapayat ay marami kang pag dadaanan. Ito’y maaaring panghihina ng katawan, at iba’t ibang sakit o mga taong hihilain ka pababa na maaaring humantong sa pagbibitaw sa iyong pangarap. Ang mga ito ay iilan lamang, sa kung ano ang posibleng mangyari habang ikaw nagpapapayat lalo na’t sa loob lamang ng isang linggo at ang mga ito ang pwede mong gawing pampalakas ng loob upang ikaw ay makapagpatuloy sa iyong nais na makamit. Marami ang pwedeng mangyari sa loob ng isang linggo habang ikaw ay nagpapapayat kaya’t lakasan mo lamang ang iyong loob at katawan.

Panghuli, ang mga nabanggit na mga simple at epektibong hakbang upang ikaw ay makapagpapayat ng mabilis sa loob ng isang linggo ay magandang panimula, lalo na kung ikaw ay may disiplina sa iyong sarili. Nasa iyo parin, kung gusto mo pang ituloy ito higit pa sa isang linggo at panatilihin ang pagkakaroon ng magandang katawan o magsaya na, dahil pumayat ka na ng mabilis sa loob ng isang linggo. Kung ikaw ay talagang desididong gumawa ng paraan upang ikaw ay pumayat ng mabilissa loob ng isang linggo, malamang sa loob pa lamang ng dalawang araw ay makikita mo na kaagad ang resulta ng iyong pagod, kaya ituloy tuloy mo lang eto at wang kang susuko.

Click Here to Leave a Comment Below 0 comments