Paano ba magpapayat ng tiyan ng mabilis

Paano-ba-magpapayat-ng-tiyan-ng-mabilis

Isa sa mga patok na balita ngayon ay ang pagkakaroon ng magandang katawan: makinis na balat, magandang buhok at maliit na tiyan. Maging lalaki man o babae, bata man o matanda, isa na ang pagkakaroon ng magandang katawan sa mga prayoridad natin sa buhay. Para ka na ring tumama sa lotto kapag naging maganda ang iyong katawan lalo na ang pagiging “sexy” katumbas nang pagkakaroon ng maliit na tiyan. Pero paano kung pagkain ang magiging hadlang sa pagabot ng iyong pangarap? Paano kung ang masarap na pagkain ay katumbas ng mabilis na paglaki ng iyong tiyan? Tutuloy ka pa ba?

Ang pagkain ay isa sa mga pampalipas oras na nagreresulta nang mabilis na paglobo ng katawan dahil hindi na namamalayan ang oras kung gaano na ba katagal kumakain ang isang tao. May kasabihan na “Masarap ang bawal”, ang ibig sabihin ay gaano man karami ang mga bawal sa mundo lalo na pagdating sa pagkain, basta nakakabusog at masarap, susubukan at susubukan nating kumain. Maliban sa almusal, tanghalian at hapunan, may mga miryenda pa sa gitna ng mga oras. May mga pagkakataon din na ang pagkain ng alanganin sa oras ay nakadipende sa kasalukuyang emosyon. May mga tao na kapag masaya ay gusto nilang kumain ng mga “tusok-tusok” o kaya naman kapag malungkot ay “ice cream”. Bukod sa pagkain, isa ding dahilan nang mabilis na paglaki ng tiyan ay ang kawalan o kulang sa galaw ng katawan. Lalo na yung mga taong babad sa trabaho o yung mga nakaupo maghapon. Sa dinami-dami ng mga rason kung bakit lumalaki an gating mga tiyan, iisa lang an ating mithiin: ang mapaliit ito. Ang mga sumusunod ay mga suhestiyon na maaaring magpaliit ng ating tiyan sa maikling panahon.

Simple at Mabilis na paraan para magpapayat ang Tiyan

  1. MAGLINIS NG BAHAY

    Isa sa mga problema ng mga gustong magpaliit ng tiyan ay ang pageehersisyo. May mga tao na gustong pumayat ngunit ayaw magehersisyo dahil ito ay sobrang nakakapagod. Kaya isang madaling paraan ay ang paglilinis ng bahay. Ito ay hindi mahirap kumpara sa pageehersisyo sa mga “gym” dahil karaniwan na nating ginagawa ang paglilinis ng bahay. Hindi na kailangan ng “membership fee” dahil hawak mo ang iyong oras at sa loob mismo ng iyong tahanan mo ito ginagawa.

  2. UMINOM NG MARAMING TUBIG

    Tubig ang pinakamaganda at pinakamurang paraan para linisin ang loob ng katawan. Ang pag-inom ng tubig ng walong baso o higit pa sa loob ng isang araw ay nakakalinis ng katawan at nakakaiwas sa mga sakit. Kailangan ding ingatan ang ating katawan habang nagpapapayat o nagpapaliit ng tiyan kaya ang pag-inom ng tubig ay nakakatulong upang hindi tayo manghina at maibsan ang mga “fluids” na nawawala sa ating katawan.

  3. MAGPAKASAYA NGUNIT HUWAG SOBRA

    Hindi maiiwasan ang pag-inom ng alak lalo na kung nagpapakasaya kasama ang mga kaibigan o katrabaho. Ngunit kung ikaw ay nagpapaliit ng tiyan, maaaring bawasan ang mga panahon ng iyong pag-inom ng alak. Base sa pag-aaral ay kailangan din ng katawan ang alcohol ngunit hindi naman ang araw-araw na pag-inom ang kailangan. Maaari pa ring uminom ngunit dapat kontrolado at madalang na lang. ligtas na ang iyong atay, liliit pa ang iyong tiyan.

 

  1. KUMAIN NG MAY “FIBER

    Ang mga pagkaing mayaman sa “fiber” ay mabisang paraan upang mapaliit ang tiyan dahil ito ang nagsisilbing walis sa loob ng katawan ng tao. Nililinis nito ang katawan at winawalis ang mga dumi sa katawan. Ang mga pagkaing mayaman sa “fiber” ay ang mga prutas at gulay.

 

  1. GUMAMIT NG PROBIOTICS

    Ang “probiotics” ay mga bakterya na nakakatulong sa pagpapanatili ng balance sa ating tiyan. Ang “probiotics” ay ang mga mabubuting bakterya na nag-iiwas sa pag “stock” ng pagkain at mga dumi sa loob ng tiyan. Ang mga pagkaing mayaman sa “probiotics” ay yogurt, kimchi at pickles.

 

  1. GUMAMIT NG PREBIOTICS

    Ang “prebiotics” naman ay ang bitamina para sa “probiotics”. Dahil kung mahina an gating mga “probiotics”, hindi mababalanse ang pagtunaw sa mga pagkain sa loob ng tiyan na magiging sanhi ng paglaki nito. Ang mga pagkaing mayaman sa “prebiotics” ay hilaw na bawang at sibuyas, harina, at saging.

 

  1. TUMAYO KAYSA UMUPO

    Mas mainam ang pagtayo kaysa pag-upo lalo na pagkatapos kumain. Ang pagtayo ay nakakatulong upang mapabilis ang pagbaba ng pagkain. Maliban dito, ang madalas na pagtayo ay nakakagandang tignan dahil naeehersisyo ang mga “muscles” sa katawan lalo na sa may bandang tiyan na maunat ang mga ito. Kaya pagkatapos kumain magandang tumayo muna ng lima hanggang dalawampung minuto, dipende sa dami ng kinain.

 

  1. MATULOG SA TAMANG ORAS

    Ang pagtulog sa tamang oras ay nakakatulong upang mabalanse ang metabolismo ng katawan ng tao. Ito ay isang paraan ng pagsunog sa mga “calories” ng katawan dahil sa pagtulog pinakaaktibo ang ating mga “glands”, ito ay nakakatulong sa pagpapanatili ng magandang katawan. Walo hanggang sampung oras na pagtulog ang kailangan ng isang tao.

 

  1. MAGKAROON NG ORAS SA MGA KAIBIGAN

    Ang mga kaibigan ang pinakamalaking ipluwensya sa bawat isa. Kaya kaysa magsama-sama habang kumakain, mas mabuting magkaroon ng oras na nagkukwentuhan (na walang pagkain) o mag-“gym” ng sama-sama. Maaari ding kausapin ang iyong mga kaibigan tungkol sa problema mo sa pagpapaliit ng tiyan para matulungan ka nila sa pamamagitan ng pagimpluwensya sa iyong pag ehersisyo o maglakad-lakad kasama sila.

 

  1. UMIWAS SA MGA MATATAMIS NA PAGKAIN

    Karamihan sa atin ay mahilig sa mga matatamis na pagkain. Ngunit kung nais nating magbawas ng timbang at magpaliit ng tiyan, mainam na bawasan natin ang pagkain ng mga matatamis na pakain. Ang pagkain ng matatamis, maliban sa lalaki ang tiyan, maaari itong humantong sa diabetes kasunod nito ang iba’t ibang komplikasyon kung ito ay hindi naagapan.

     

  2. KUMAIN NG PAGKAIN NA MATAAS ANG POTASSIUM


    Ang potassium ay mahalaga lalo na kung ikaw ay nagbabawas ng timbang o nagpapaliit ng tiyan. Dahil habang nagbabawas ka ng timbang, mabilis manghina ang isang tao dahil sa mabilis na pagtanggal ng mga “electrolytes” sa katawan. Mga pagkaing mayaman sa potassium ay avocado, kalabasa, kamote, at sabaw ng buko.

 

  1. KUMAIN NG PAGKAIN NA MATAAS ANG PROTINA

    Napaka-importante ng protina sa pangaraw-araw nating kinakain. Maliban sa “carbohydrates”, ito ay magandang pamuhatan ng enerhiya. Kaya imbes na kanin at mga tinapay ang kainin, mas mabuti ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa protina tulad ng manok (pityo), itlog, gatas, isda, hipon, at mani.

 

  1. BAWASAN ANG KANIN

    Kanin ang isa sa may pinakamalaking epekto sa paglaki ng tiyan ng isang tao dahil ang kanin ay mayaman sa “calories” at “carbohydrates” na sanhi nang paglaki ng tiyan. Ang tamang pagpapaliit ng tiyan ay ang pagbawas sa dami ng kanin at hindi biglaang pagtanggal sa kanin sa araw-araw na pagkain. Dahil kung biglaan mong tinigil ang pagkain ng kanin, maaaring ikaw ay manghina. Ang kanin ay isa sa pinagmumulan ng ating enerhiya kaya hindi mainam ang biglaang hindi pagkain nito. Maaaring bawasan pero huwag tuluyang tanggalin.

 

  1. NGUYAIN MABUTI ANG PAGKAIN

    Kung hindi maiiwasan ang pagkain ng marami, mas mainam na nguyain na lang ito ng mabuti. Ang pagnguya sa pagkain ng mabuti ay nakakabuti upang mabilis matunaw ito sa loob ng katawan. Ito ay nakakatulong upang hindi ma”stock” ang pagkain sa loob ng katawan na sanhi ng paglaki ng tiyan.

 

  1. MAGLAKAD 

    Kung nahihirapan ka sa masidhing pageehersisyo, paglalakad ang pinakamadaling gawin. Ang paglalakad ng dalawampung minute o higit pa bawat araw ay nakakatulong upang mabawasan at masunog ang mga naiwang taba sa loob ng katawan. Maliban dito, naeehersisyo pa ang mga “muscles” sa iyong paa na nakakapagtibay dito.

 

  1. IWASAN ANG STRESS

    Ang “stress” ang isa din sa dahilan kung bakit lumalaki ang timbang ng isang tao. Dahil sa stress, nawawalan na ng oras para alagaan ang katawan. Iwasan ang stress sa pamamagitan ng pakikipag ”bonding” sa iyong mga kaibigan o pamilya.

 

Ang mga nabanggit na paraan ay mga mabisa kung ikaw ay naghahangad ng mapaliit ang iyong tiyan. Ngunit kailangan paring alagaan ang katawan dahil sa mga araw nang pagpapaliit ng tiyan, maaaring ikaw ay manghina dahil hindi sanay ang iyong katawan kaya dahan-dahanin lang at huwag biglain ang iyong katawan.

 

Sa pangkabuuhan, lahat tayo ay naghahangad ng magandang katawan. Ngunit sa paghangad natin ng magandang katawan, kailangan din nating maging malusog upang maiwasan ang iba’t-ibang komplikasyon. Disiplina ang kailangan upang maatim ang pangarap na magkaroon na bawas na timbang at maliit na tiyan dahil kung walang disiplina, mawawalan ng silbi ang lahat ng paghihirap na iyong sinimulan. Ang mga nabanggit na paraan ay maaaring magtupad ng iyong pangarap na magkaroon maliit na timbang. Hindi ka na matatakot magsuot ng mga hapit na damit, o makisabay sa mga seksi mong kaibigan. Lakas lang ng loob ang kailangan at purisgidong puso’t isipan ang solusyong para matupad mo ang iyong minimithing maliit na tyan.

Click Here to Leave a Comment Below 0 comments