Mabilis at Madaling Paraan ng pag Diet upang Pumayat ng Natural at Walang Ehersisyo

Mabilis-at-Madaling-Paraan-ng-pag-Diet-upang-Pumayat-ng-Natural-at-Walang-Ehersisyo

Ang pagkakaroon ng magandang katawan ay pangarap ng karamihan. Ito ay ang nagiging pangunahing puhunan pagdating sa trabaho, pakikipagkaibigan at marami pang iba. Ang pagkakaroon ng magandang katawan ay senyales din na ikaw ay mayroong malusog na pangangatawan. Ngunit may mga iilan na nais magpapayat ng hindi napapagod o walang ginagawang kahit anong uri ng page-ehersisyo. Posible nga ba ito? Ang pagpapayat ay hindi ganoon kadali ngunit may mga iilan na nagkaroon ng sariling mga paraan ng pagpapayat at ito ay walang halong page-ehersisyo. Ang mga sumusunod ay mga paraan kung paano mababawasan ang iyong timbang na walang halong page-ehersisyo.

25 Na madaling paraan para pumayat ng natural at walang halong ehersisyon

1. ALMUSAL ANG KAILANGAN

Tandaan na ang almusal ang pinakaimpotanteng parte ng ating pagkain sa maghapon, dahil ito ang nagbibigay ng enerhiya sa atin sa maghapon. Kaya mabuting mas damihan ang pagkain ng almusal at kaunti sa tanghalian at hapunan. O mabuting marami sa almusal at wala na sa hapunan.

2. BANTAYAN ANG IYONG TIMBANG

Mainam ang pagsusukat ng iyong timbang isa o dalawang beses sa isang linggo dahil ito ay nagbubuhay sa iyong sarili na may pagbabagong nangyayari sa iyong plano. Kung wala mang pagbabagong nagaganap, ito ay magsisilbing “goal” upang ikaw ay magpatuloy sa iyong naumpisahang plano ng pagdidiet.

3. Kumain ng Mansanas “AN APPLE A DAY KEEPS THE DOCTOR AWAY”

Ito ay isa sa pinakasikat na kasabihan na may halong katotohanan. Ang pagkain ng mansanas habang ikaw ay nagdidiet ay nakakatulong din. Nakakatulong ito dahil ang pagkain ng mansanas bago kumain ay nagpapabusog sa atin, kung kaya’t kaunti na lamang ang iyong makakain. Maliban dito, pinanatili nito ang “glucose level” ng ating katawan na dahilan ng pagkakaroon ng sapat na enerhiya habang ikaw ay nagbabawas ng calories at sugar sa katawan sa gitna ng iyong pagdidiet.

4. SUBUKANG NGUMUYA NG BUBBLEGUM

Madalas sa atin ay mayroong tinatawag na “oral fixation”. Ito ay ang mga taong gustong palaging may nginunguya kaya ang iba ay napapadalas ang pagkain. Ngunit bakit hindi mo subukang ngumuya na lamang ng bubblegum? Ito ay nakakatulong upang ma-relieve ang iyong “oral fixation” at hindi ka tataba.

5. KAUSAPIN ANG IYONG PAMILYA AT KAIBIGAN

Ang pamilya at mga kaibigan ay ang may pinakamalaking impluwensya sa ating buhay. Kung Kaya’t magandang kausapin ang mga ito tungkol sa iyong problema at mga plano upang sila din ay gumawa ng mga paraan upang ikaw ay matulungan lalo sa iyong pagpapapayat. Halimbawa kinausap mo ang iyong ina, maaaring magluluto na lamang siya na akma sa iyong “meal plan”. At sa mga kaibigan mo, maaaring sila’y mag aya na kumain kayo sa mga restaurant na naghahain ng mga masusustansyang pagkain. Huwag isikreto ang iyong plano upang matulungan ka ng mga taong nakapalibot sa iyo.

6. PALITAN ANG IYONG PARAAN NG PAGLULUTO

Kung ikaw ay mahilig magdagdag ng mga pampalasa, o kaya naman ikaw ay mahilig magprito na nakababad sa mantika, mabuting ito ay iwasan lalo na kung ikaw ay gustong magdiet. Ang mga iba’t- ibang uri ng mga pampalasa na lumilitaw ngayon ay nakakaapekto hindi lang sa paglobo ng katawan kundi pati na rin sa pagsira ng ating bato at atay. Ang mga ito ay may mga sangkap tulad ng preservatives na nakakasira sa katawan. Kaya’t mas magandang sundin ang tradisyonal na pagluto upang humaba ang ating buhay kasabay ng pagkakaroon ng magandang katawan.

7. MAGSULAT NG “MEAL PLAN” o PLANUHIN ANG MGA KAKAININ SA ARAW ARAW

Maliban sa mga nabanggit, isang dahilan din kung bakit mabilis ang paglobo ng katawan ng isang tao ay dahil hindi nakaplano ang kanyang pagkain. Ang isang tao ay mabilis na ma-attract pagdating sa pagkain kaya kahit wala sa tamang oras, ito ay kakain. Kaya’t kung ikaw ay naghahanggad ng magandang katawan, magkaroon ng sariling “meal plan”. Dito masusubukan ang iyong disiplina at control pagdating sa pagkain.

8. UMINOM PALAGI NG MARAMING TUBIG

Ang pag-inom ng tubig ay napakahalaga pagdating sa kalusugan. Dahil ang wastong pag-inom ng tubig ay nakakatulong upang luminis ang loob ng katawan. Hinuhugasan nito an ating katawan na dahilan ng pagiging malusog dahil natatanggal ang mga hindi karapat-dapat sa loob ng ating katawan. Maliban sa nililinis nito ang ating katawan, nakakatulong pa eto sa pagbabawas ng timbang dahil napapanatili tayong busog. Dahil dito, kumokonti na lamang ating nakakain at hindi na tayo gaanong magugutom.

9. LIITAN ANG PLATONG GINAGAMIT

Kahit ito ay parang imposibleng paraan ng pagbabawas ng timbang o pagpapapayat, maaari din itong gawin lalo na kung ito ay nakakasanayan na. kung ikaw ay madalas gumamit ng mga malalaking plato, subukang palitan ito ng mas maliit na plato. Sa una, ikaw ay madalas na bumabalik at kukuha ng pagkain ng ilang beses, pero sa pangmatagalan ikaw ay masasanay na hanggang doon na lang ang kaya mong kainin.

10. NGUMUYA NG DAHAN DAHAN

Kung ayaw mong magpakapagod habang nagbabawas ng timbang, mas mabuting simulant mo muna ang iyong plano sa pagkain. Una sa lahat ay ang pagnguya ng dahan-dahan. Ang pagkain ng mabilisan at maramihan ay isang malaking bagay na nakakaapekto sa mabilis na paglobo ng katawan. Kaya mas mainam na huwag madaliin ang pagkain. Ngumuya ng dahan-dahan at pakonti-konti lamang. Dahil dito, mabilis na matutunaw ang iyong mga kinain pagdating sa loob ng katawan. Hindi na ito maiimbak sa loob ng tiyan sa ilang mga araw.

11. KUMAIN NG MADAMING PROTINA

Ang pagkain ng protina ay isang bagay na pinagmumulan ng enerhiya. Kung ikaw ay nagpapapayat o nagbabawas ng timbang, ang pagkain ng protina ay napakahalaga. Dahil ang protina ay isang malaking bagay na nagpapabusog sa atin kahit wla tayong masyadong kinakain. Kaya mainam ang pagkain ng protina kahit isang platito lang sa isang araw.

12. IWASAN ANG MGA MATATABANG PAGKAIN

Ang pagkain ng matataba ay isang bagay kung bakit mabilis tumaba ang isang tao. Ang “Taba” ay mabagal matunaw kaya’t naiimbak ang mga ito sa loob ng katawan ng iilang araw na sanhi ng pagtaba. Ilan sa mga matatabang pagkain na kailangang iwasan ay ang chicharon, crispy pata, o yung taba at balat ng baboy at manok.

13. MIRYENDA SA GITNA NG MGA ORAS

Aminin man natin o hindi, tayong lahat ay mahilig sa miryenda. Sa gitna ng mga pangunahing oras ng kainan, siguradong may mga miryenda pa tayong isinisingit. Ito ay isa ding dahilan kung bakit halos lahat ng mga taong mahilig sa miryenda ay matataba. Kung ikaw ay gustong magdiet na walang halong page-ehersisyo, mabuting iwasan muna ang pagkain ng wala sa tamang oras o yung pagmimiryenda. Kung hindi naman ito kayang iwasan, mainam na magmiryenda ng mga masustansyang pagkain na makakatulong sa iyong pagdidiet.

14. ANG TULONG NG LUYA

Ang paginom sa katas ng luya o sa pinakuluang luya ay nakakatulong sa tamang paggalaw ng iyong tiyan at bituka. Ito ay nagpapabilis sa pagtunaw ng mga nakaimbak na pagkain sa loob ng ating katawan. Maaari ding ihalo na lamang ang luya sa iyong niluluto o kaya naman gawin itong chips at ito ang iyong gawing pampalipas oras.

15. ITUON ANG ATENSYON SA IBANG PAGKAIN

Ang pagkain ay isa sa mga pampalipas oras natin kung kaya’t mabilis dumoble ang ating timbang. Upang maiwasan ito, mainam na ituon ang iyong pansin at atensyon sa ibang bagay tulad ng paglalaro sa iyong alagang aso, pagtatanim, o pakikipagbonding sa iyong pamilya o mga kaibigan.

16. KONSENTRASYON SA PAGKAIN

Kung ikaw ay nagbabalak magbawas ng timbang ngunit ayaw magehersisyo, mainam na magbigay konsentrasyon na lamang sa iyong pagkain. Kung ikaw ay kumakain, ikaw ay kumain. Huwag hawakan o itabi sa iyo ang iyong cellphone, o kaya ay huwag manood ng telebisyon. Dahil kapag ikaw ay puno ng distraksyon sa iyong paligid habang kumakain, hindi mo namamalayan na dumadami na ang iyong kinakain.

17. MATULOG SA TAMANG ORAS

Ang pagtulog sa tamang oras ay malaking tulong din upang ikaw ay pumayat o mabawasan ang iyong timbang. Ang pagtulog sa tamang oras ay nagpapabilis sa iyong metabolismo kung saan kaagad natutunaw ang mga pagkaing naimbak sa loob ng iyong katawan. Ito’y hindi mo kaagad mamamalayan ngunit pagdating ng ilang araw, mapapansin mong nagiging maaliwalas ang iyong pangangatawan.

18. PUTULIN ANG PAGKAIN NG MGA PAGKAING MATAAS SA CALORIES

Isang paraan upang mawala o mabawasan ang calories ng isang tao ay ang page-ehersisyo. Ngunit kung ikaw ay ayaw sumubok ng kahit anong uri ng page-ehersisyo, mainam na huwag na munang kumain ng mga pagkaing mataas sa calories. Ang calories ay isa sa dahilan kung bakit tumataba ang isang tao at kung bakit bumabagal ang metabolism ng isang tao kaya hangga’t maaga, putulin ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa calories.

19. SANAYIN ANG HINDI SANAY

Kung gusto mong kontrolin ang iyong pagkain, subukan mong pagpalitin ang iyong kutsara at tinidor. Kung sanay ka sa kaliwa, ilagay mo ang iyong kutsara sa kanan. Sa pamamagitan nito, magiging kaunti na lamang ang iyong makakain dahil hindi ka sanay dito. Maliban sa kakaunti na lamang ang iyong makakain, mamamasahe pa ang mga ugat sa iyong kabilang kamay na sanhi ng maayos at patuloy na pagdaloy ng iyong dugo.

20. BAWASAN ANG MGA MATATAMIS NA PAGKAIN

Ang pagkain ng matamis ay isang malaking bagay na nakakaepekto sa mabilis na paglobo ng katawan. Kaya mainam na bawasan ito hangga’t maaga upang hindi masanay ang iyong katawan at hindi lumobo ang iyong timbang.

21. ITAPON LAHAT ANG SODA SA IYONG PRIDYIDER

Hindi mabuti sa katawan ang madalas na paginom ng soda o yung mga softdrinks at matatamis na inumun. Ito ay mataas sa “sugar content” na isang sanhi kung bakit lumalaki ang tiyan at lumolobo ang timbang ng isang taong mahilig sa mga ganitong uri ng inumin.

22. MAGPAINIT SA GITNA NG INIT

Kung ay naghahangad na mabawasan ang iyong timbang ngunit ayaw mo naman magehersisyo, bakit hindi subukang mamalagi sa mainit na lugar? Ang pagpapapawis ay hindi direkta at eksaktong nakakapayat ngunit mababawasan nito ang calories sa loob ng iyong katawan. Halimbawa na lamang ay ang paga-adjust sa temperature sa tubig kapag ikaw ay naliligo o kaya naman magsauna ng isa hanggang dalawang beses sa isang linggo. Basta tandaan na uminom palagi ng tubig kung ikaw ay pinagpapawisan ng matindi upang hindi ka manghina. Huwag din araw-arawin o oras oras magbabad sa mainit dahil maaapektuhan ang ibang parte ng iyong katawan sa loob man o sa labas.

23. BASAHIN ANG LABEL NG IYONG BINIBILI

Kung ikaw ay kasalukuyang nagdidiet, maging mapanuri sa iyong kinakain. Sa bawat binibili mo sa tindahan, basahin ang “nutritional facts” sa nakalagay sa iyong binili. Tignan kung mataas ba ito sa sugar, sa fats, calories, carbohydrates at iba pang maaaring makaapekto sa paglobo ng iyong timbang at makasira sa iyong katawan. Mainam ang maging mapanuri upang ikaw ay maging maalam sa mga kinakain mo sa araw araw dahil ito ang magliligtas sa iba’t ibang parte ng iyong katawan. Kailangan mo ring malaman kung ano ba ang nagagawa ng mga sangkap nito sa iyong katawan. Tignan kung makakatulong ba ito sa iyo o makasisira sa iyong katawan. Tignan din kung anu-ano ang mga sangkap ng iyong binili. Mataas ba ito sa preservatives? O kaya naman puno ba ito ng pampalasa? Mag-ingat palagi sa iyong mga binibili lalo na kung pagkain ang mga ito dahil katawan ang magiging kalaban na ito at napakadelikado kung ikaw ay nakatagpo ng mga pagkaing mayroong maling label.

24. SABAYAN ANG IYONG BOSS KUNG IKAW AY INAAYANG KUMAIN

Nauubos ang oras ng isang tao dahil sa trabaho. May mga pagkakataon na inaaya ka ng iyong boss o katrabaho na mataas ang posisyon sa iyo dahil maaaring sobrang bait nya saiyo, masipag ang iyong grupo o may pag-uusapan kayo tungkol sa trabaho. Ito ay magandang pagkakataon lalo na kung ikaw ay nagdidiet dahil maiiwasan mo ang pagkain ng maramihan dahil sa hiya, respeto at disiplina na namumuo sa loob ng iyong katawan sa tuwing kasama mo ang iyong mga katrabahong mataas ang posisyon sa iyo.

25. DAGDAGAN ANG PASENSYA

Ang pagdidiet ng walang ehersiyo ay hindi ganoon kabilis magkaroon ng pagbabago kaya dagdagan ang iyong pasensya sa gitna ng iyong pagdidiet at huwag kaagad panghinaan ng loob.

Ang pagdidiet na walang halong page-ehersisyo ay isa sa gustong gawin ng mga taong gustong magpapayat ngunit ayaw mapagod ng husto. Ngunit tandaan na hindi ganoon kabilis ang resulta kung ito ang susundin mong plano. Maaaring maisip mong sumuko ngunit darating din ang resulta na gusto mong makita sa huli.

Bilang konklusyon, posible na makapagbawas ka ng timbang ng walang ginagawang kahit anong uri ng ehersisyo ngunit hindi din ito ganon kadali. Ang mga nabanggit na dalawamput limang paraan ng pagdidiet ng walang ehersisyo ay maaari mong gawin bilang panimula sa iyong planong pumayat ng walang ehersisyo. Makakatulong ang mga ito upang magkaroon ng kondisyon at hindi mabigla ang iyong katawan kung ikaw ay nagdidiet. Maaaring dagdagan mo pa ito ng iba pang paraan kung mas gusto mong magkaroon ng mabilis na resulta. Tandaan na kailangan mong magkaroon ng disiplina, pasensya, tibay ng loob at lakas ng loob upang makamit mo ang iyong nais.

Click Here to Leave a Comment Below 0 comments