11 na Secretong Paraan Kung Paano Mag Diet ng Mabilis

Paano-Mag-Diet-ng-Mabilis

Marahil ay malimit na sumasagi sa isipan mo kung ano nga ba talaga ang epektibong paraan para magpapayat sa maikling panahon. Kung ano man ang iyong dahilan sa mabilisang pagpapapayat, maaari mong subukan ang mga sumusunod kung paano mag diet ng mabilis na siguradong kakakitaan ng pagbaba ng timbang kung susundin mo eto ng tama:

11 na mabisang paraan para mag diet at pumayat ng mabilis

  1. Limitahan ang pagkain

Kung ang layunin mo ay pumayat sa maikling panahon, kaukulang paga-adjust ang kailangang gawin. Ayon sa mga health experts, at fitness instructors, ang pagkonsumo ng maliit na portions sa bawat pagkain ay isa sa mga pinaka-epektibong pamamaraan upang bumaba ang iyong timbang. Kumain lamang ng sapat. Subukang gumamit ng mas maliit na plato katulad ng luncheon palito upang masigurong hindi sosobra ang pagkain. Iwasang kumain ng kainin na hindi hihigit sa isang tasa kada kain. Mas makabubuti kung kakain lamang ng kanin sa umaga. Dahil malakas ang sugar content nito, ang limitadong pagkonsumo ng kanin ay magpapahina ng cravings mong kumain muli sa buong araw. Maaari mong kainin ang gusto mong diet-friendly food basta on a limited scale lamang. Kung challenge ang hindi pagkain ng kanin sa isa sa mga meals, gawing paunti-unti ang pagbawas ng pagkonsumo. Ang unang linggo ng pagda-diet ang pinakamahirap. Sa panahong ito, subukang mag isang tasang kanin lang sa agahan, kalahating kanin sa tanghalian at hapunan. Hanggang ang katawan mo ay masanay na sa pagbawas ng pagkonsumo nito, maaari mo ng gawin ang isang tasang kanin sa agahan lamang.

  1. Dalasan ang pagkain

Upang maiwasan ang pagkagutom dahil sa limitadong pagkain, gawing lima hanggang anim na beses ang pagkonsumo ng pagkain sa isang araw. Tandaan na ang pinaka-importanteng meal sa isang tao ay ang agahan. Kung kaya’t ang mga taong nagda-diet ay kailangang kumain ng breakfast na mataas ang carbohydrates para pagkunan ng enerhiya. Magmerienda in between meals. Siguraduhing ang tanghalian ay katamtaman lamang ang dami ng pagkain. Sa hapunan naman, kumain ng mga pagkaing mababa ang sugar content upang hindi gutumin at maiwasan ang pagkain muli. Kung makaramdam ng gutom ilang oras pagkatapos ng hapunan, maaaring kumain basta ito ay diet-friendly food. Ayon sa experts, ang ganitong pamamaraan ng pagkain ay nakatutulong sa pag-boost ng metabolism.

  1. Kumain ng masustansya, iwasan ang junk foods

Dahil sa pagbawas ng konsumo ng pagkain, siguraduhing masusustansya lamang ang kailangang kainin. Bawal ang kahit anumang pagkaing walang maidudulot na bitamina at nutrisyon sa katawan. Hindi kinakailangang mag-gulay buong araw (ngunit kung kaya mo naman, mas maigi). Ang green leafy vegetables ang isa sa mga maituturing na ideal na pagkain nagda-diet man o hindi. Para magkaroon din naman ng tamis ang iyong araw, go with natural fruits at iwasan ang mga produktong may artificial sweeteners.

  1. Shake at salad options

Kung dati ang salad at shake ay parte lamang ng iyong meal, habang ikaw ay nagda-diet, maaaring mong subukang gawing full meal ang mga ito lalo na bilang iyong tanghalian. Bukod sa puno ng bitamina at nutrisiyon ang fruit shakes at vegetable salads, siguradong mas mapabibilis nito ang pagbaba ng iyong timbang. Maraming home-made shakes at salad recipes na available sa internet para iyong subukan.

  1. I-achieve ang self-control

Sa panahong habang ikaw ay nagda-diet, hindi maiiwasan na maaari kang maimbitihan sa handaan, buffet, kasiyahan o inuman. Ang pagpapapayat ay hindi nangangahulugang talikuran mo ang iyong social life. Harapin mo sila. Harapin mo ng buong tapang ng may self-control. Hangga’t maaari, maging istrikto sa pagsunod sa mga tips pero kung hindi maiiwasan, pwede naman sumobra ng very light.

  1. Maglaan ng cheat day

Ang pagsunod sa healthy lifestyle ay sadyang napahirap lalo na sa panahon ngayon na maraming nagkalat na masasarap na pagkain ngunit mababa naman ang nutritional values. Bukod sa hindi ito nakatutulong sa iyong fitness goal, ang social pressure sa mga taong nakapaligid sayo ang lalong nagpapahirap para makamit mo ang minimithing timbang. Kung kayat maraming taong nagda-diet ang tumitigil matapos ang ilang linggong istriktong diet plan. Upang maiwasan ito, maglaan ng cheat day bawat linggo. Ang cheat day ay ang araw na maaari mong kainin ang anumang gusto mo pagkain ngunit pakatandaan pa rin ang rules # 1 and # 5.

  1. Mag-ehersisyo araw-araw

Ang pageehersisyo ay isa sa importanteng pamamaraan ng pagpapapayat. Kung kayat siguraduhing maglaan ng tatlumpung (30) minuto bawat araw para gawin ito. Kung ang pagpunta sa gym ang dahilan upang hindi ito maisakatuparan, maaari kang mag-Youtube upang matutunan ang mga ehersisyo na pwedeng gawin sa bahay o mag-download ng mobile apps ukol dito. Tandaan na ang physical activity ay mabisang pamamaraan ng pagpapapayat. Ito ay tried and tested na. Ang kailangan mo lang ay subukan.

Gayunpaman, ilan lamang ito sa mga practical na examples na maaari mong gawin: Maglakad o mag-brisk walking sa umaga, o gabi. Gumamit ng hagdan imbes na escalator o elevator. Mag-bisikleta sa park o sa loob ng subdivision. Kung may alaga kang aso, ipasyal siya araw-araw; may bonding na kayo ng pet mo, nagkaroon ka pa ng physical activity. Gayunpaman, kung ang iyong adhikain ay talagang pumayat sa loob ng maikling panahon at may kakayahang mag-enrol sa gym, mas mainim ito. Iba rin talaga kapag may nakakasama ka sa pagi-gym para lalo kang ma-motivate. Bukod dito, kumpleto sila ng gamit para sa iyong fitness goal.

  1. Sumayaw sa agos ng buhay

Kung ang pag-gym ay isa sa mga bagay na hindi mo naisip subukan, may iba pang activity para magpapayat. Kung hindi ka marunong sumayaw, walang problema. Kung ang iyong ultimate goal lang naman ay pumayat, maaari kang mag-enrol sa dance class o sa Zumba sessions sa barangay niyo. Bonus na lang kung matuto ka na talagang sumayaw dahil dito. Kung ikaw naman ay shy-type, malaking bagay ang Youtube dahil kahit walang dance instructor maaari mong gawin ang activity na ito kahit parehong kaliwa ang iyong paa. Ngunit kung gusto mo talagang umindak, ang physical activity na ito ay talagang makatutulong sa iyong diet at pag-boost ng self-confidence.

  1. Umiwas sa mga bisyo

Ang pagpapapayat ay isang responsibilidad kung kaya’t tandaan na habang ikaw ay nagda-diet, iwasan muna ang bisyo. Ang sigarilyo at alak ang mga obvious na bisyo na dapat iwasan kahit hindi ka nagda-diet. Pero may mga bisyo rin na akala mo hindi nakaaapekto sa iyong katawan. Bisyong kumain habang nakahiga at nanonood ng TV, bisyong hindi nguyain ang pagkain, bisyong uminom ng softdrinks imbes na tubig, bisyong matulog agad pagkatapos kumain, at marami pang iba. Ilan lamang ito sa mga bagay na dapat mong iwasan at simulang talikuran.

Ang couch at higaan ay ginawa para sa ibang purpose. Kumain sa hapagkain. Nguyain ang pagkain ng tatlumput dalawang (32) beses. Bagamat mukhang napakatagal at hindi realistic ito, ayon sa health experts ang pagnguya ng pagkain ng 32 beses ay makatutulong sa mabilisang pag-digest ng pagkain. Bukod dito, mas tumatagal kang kumain kung kayat ang small portion na pagkain ay magmumukhang madami. Dagdag pa ng mga experts, ang utak natin ay nagse-send ng signal na tayo ay busog na dalawampung minutos simula ng tayo ay kumain.

  1. Tubig, coffee o tea

Habang ikaw ay nagda-diet, kung maaari tanging tubig lamang ang inumin. Ang tubig ay may zero fat at calories kung kayat hindi kailangang limitihan ang sarili sa paginom nito. Mabisa rin itong nagtatanggal ng mga toxins sa katawan. Kung ikaw naman ay coffee lover, ang kape ay nakatutulong sa pagproseso sa pagtanggal ng unwanted fats sa pagkaing iyong nakain. Mainam na mag-kape bago ang iyong physical activity. Ito rin ay isang mabisang source ng antioxidant. Samantalang ang tea o tsaa ay mabisang nagda-digest ng pagkain at maaaring magbigay sayo ng flat stomach at pagbaba ng timbang. Nakatutulong din ito upang maiwasan ang risk of heart attack at stroke.

  1. Pag-inom ng weight loss supplements

Kailangang tandaan na ang paginom nito ay may possible risks na kaakibat. Mag-research ng mabuti o komunsulta sa iyong doktor bago ka mag-take ng weight loss supplements or diet pills para nakasisiguro kang ito ay ligtas at epektibo. Ang green tea at L-Carnitine ay ilan lang sa mga palatandaan na ang supplements mo ay makatutulong sa iyong pagpapapayat.

Paano magdiet ng mabilis ay depende sa tao. Kung susundin ang mga tips na ito, hindi malayong makamit ang inaasam na pagbaba ng timba. Gayunpaman, mas makabubuti kung ang mga ito ay gagawin hindi lamang sa loob ng maikling panahon bagkus maging parte na ng iyong lifestyle dahil ang lahat ng ito ay tiyak na makabubuti sa kalusugan ng kung sinuman ang susubok nito.

Click Here to Leave a Comment Below 0 comments